Friday, May 3, 2013

Vice Ganda Jokes

(Nakakita siya ng guwapo, di nakapagpigil)
Vice: Hi, ano pangalan mo?
Gwapo: Ako po?
Vice: Ay hindi sila, may nakikita ka pa bang tao? Malamang ikaw, ang tanga.

* * *

(Sa gasoline station, pagbaba nya ng window)

Gas boy: Magpapagas po?
Vice: Hindi magpapaconfine ako. Malamang magpapagas, gasolinahan ‘to 'di ba? Alangan magpaconfine ako dito, tapos dextrose ko 'yung unleaded gasoline niyo, at ayun na yung ikakamatay ko.

* * *

(Sumakay siya ng jeep na walang laman papuntang palengke)

Vice: Manong bayad po.
Manong1: Ilan ‘to?
Vice: Ay manong dalawa yan, nakakahiya kasi sayo, kahit ako lang mag-isa sakay mo, dalawa na ibabayad ko, libre na kita kahit sayo 'tong jeep.

* * *

(Bababa na sya)

Vice: Manong, para.
Manong1: Bababa ka na?
Vice: Ay hindi manong, sasakay ako. Sasakay ako ulit, dun naman ako sa bubong, mas presko kasi dun.

* * *

(2nd attempt)

Vice: Para ho.
Manong1: Dyan ba sa tabi?
Vice: Ay hindi manong. Dun ako sa gitna, sa gitna para masagasaan ako.

* * *

(Binaba siya sa gitna)

Vice mabundol ng isa pang jeep…
Manong2: Nasaktan ka ba?
Vice: (naasar) Ay hindi, nag-enjoy ako. Ulitin natin, bunguin mo pa. Isa pa! Dali! Ang sarap kasi! Nakabundol ka tapos itatanong mo kung masakit? Ikaw kaya bundulin ko? Tapos i-share mo skin feelings mo, na na-enjoy mo, sige magbungguan tayo. Laruin natin, ipauso natin, bunggu-bungguan.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

follow pinoyforwardedsms on twitter and facebook