Thursday, May 2, 2013

Tomboy Nainlove sa Boy

Okay, ito ay galing sa kaibigan ko na itago na lang natin sa pangalang AJ.  Isa siyang tomboy (katulad ko) na lalaking lalaki talaga.  Masasabi kong mukha siyang lalaki at kapag naging babae ay maganda.  Tahimik lang siya habang nakatambay kami kahit na ilang pagpapatawa na ang gawin ko wala pa rin siyang imik.  Doon na ako nagseryoso.. "Hoy, abnormal, hindi bagay ha! Umaarte arte ka ng ganyan", sabi ko.  Ano kayang problema ng animal na ito? Bigla ay may iniabot siya sa aking sulat.  Ito ang sabi:

"Pre, problema.  Mahal na mahal ko si Jessa pero last last month.. 'Nung pumunta tayo sa SL, 'yung kausap ko na si Buboy.. Parang mahal ko na siya.  Masaya ako na kausap siya at katext.  Tulungan mo ako pre.  Sinabi na niya na gusto 'nya ako.  'Di ko alam ang gagawin ko."

Okay, so nainlove na nga si tibo.  Paano ba 'yan?


Jessa - ang girlfriend ni AJ
SL - ang comedy bar na pinuntahan namin two months ago
2 months ago - January 2013

Hindi ko agad sinagot ang sulat nya sa 'kin.  Pinalipas ko muna ang araw na 'yon na parang walang nangyari.  Ayokong maging seryoso ang usapan naming dalawa.  So gay.. Instead, sinagot ko ang issue nya sa pamamagitan ng sulat din.  So ito ang first advice ko sa buong buhay ko na seryoso ang problema.  'Yung future ang nakasalalay.  So, ito na nga ang sagot:

AJ,

'Tol, congratulations!  Masaya ako sa nangyayari.  Babae ka talaga at tama lang na ilaan mo ang pagmamahal mo sa isang lalaki na makakapagpasaya sa iyo (kala mo hindi tomboy kung makapagsalita e no? hehehe), ganon din kay Jessa.  Hayaan mo siyang makahanap ng taong tunay na magmamahal sa kaniya.  Sa tomboy man o sa lalaki.  Mahirap naman na kayo ni Jessa pero may ibang tinitibok ang puso mo.  Oo, may nararamdaman ka para sa kaniya pero kulang na.. Hindi na buo.  Kausapin mo si Jessa.  Sigurado maiintindihan ka niya.


Hindi ko alam kung anong ginawa ni AJ.  Ayoko naman siyang kausapin ng tungkol duon.  Ayokong ako ang mag-open ng topic.  Pero just so you know, nagdadamit na siya ng pambabae..  Alam na!



**Kung may gusto kayong ihingi ng advice, you can send me an email at pinoyforward@gmail.com**

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

follow pinoyforwardedsms on twitter and facebook