Friday, May 3, 2013

Paano ako ginawa?

Tanong mula sa upuan ng bus.

Okay.. So madalas akong sumasakay ng bus o ng kahit anong means of public transportation (since wala  akong private car).  And habang ako'y nakaupo sa likod na upuan ng bus (kahit nakakahilo dito), mahilig akong magtingin-tingin sa paligid.  Merong bubble gum na nakadikit, mga nakasuksok na tiket ng bus, balat ng pinagkainan at mga vandalism.

May mga nakapost na number, merong 'i love you chorva' at kung anu-ano pa.  Isang tanong ang pumukaw sa aking atensyon - "Paano ako ginawa?"

Sa sumulat nito sa bus sa likod ng upuan ng bus na 'yon, hindi mo ba talaga alam?

Ito ang maipapayo ko sa iyo:



Sa kung sino ka man,


Hindi ko alam kung aksidente ka lang ba nabuo o sinadya ka ba talagang buuin ng magulang mo.  Kung ano man sa dalawa ang sagot, magpasalamat ka sa magulang mo at lumabas ka sa mundong ito.


Anyway, ang sperm cell ay nasa male reproductive system (lalaki) at ang egg cell ay nasa female reproductive system (babae).  kapag ang ang sperm cell at ang egg cell ay nagsama, makabubuo ito ng isang bagong buhay.  At yun ang nangyari sa iyo. - Nabuo ka.

Mas mabuting malaman mo ang mga bagay na ito sa panahon na nasa tamang edad ka na at nakakaunawa.





**Kung may gusto kayong ihingi ng advice, you can send me an email at pinoyforward@gmail.com**

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

follow pinoyforwardedsms on twitter and facebook