Paano ko sasabihin sa kaibigan ko na bad breath sya ng hindi siya nasasaktan?
-name withheld-
-name withheld-
To you, -name withheld-
Natutuwa naman ako sa'yo.. Isa kang totoong kaibigan dahil ang problemang sya ang dapat naiistress at pinoproblema mo pa.
Anyway, ang issue na ito ay matagal ng problema ng ilan sa atin.
Paano nga ba natin masasabi sa ating kaibigan, kamag-anak o mahal sa buhay na mayroon silang itinatagong lihim ba sila lang ang hindi nakakaalam?
Maaari kasing mayroon silang karamdaman tulad ng gum disease na dahilan ng hindi kanais-nais na amoy. Pwede ring mahilig silang manigarilyo o kumain ng mga pagkaing nakapagdudulot ng bad breath tulad ng bawang, sibuyas at kung anu-ano pa.
Ibalik natin ang tanong, paano natin sasabihin sa kanila na sila ay bad breath ng hindi sila nasasaktan?
Unang-una, wag mong sasabihin ito sa kanila sa harap ng maraming tao. Maaari silang mapahiya at makapagdudulot ito ng low self esteem. Maari mo siyang kausapin ng masinsinan - yung kayong dalawa lang. Ipaliwanag mo sa kanya kung bakit mo ito sinasabi sa kanya at tulungan siyang maresolbahan ito. At bilang isang kaibigan, siguraduhing walang ibang makakaalam sa bagay na ito. Sabihin mo rin sa kanya ang mga benepisyong maaari niyang makuha kapag nawala ang bagay na ito. Make sure na good mood siya at gumamit ng mga salitang hindi niya ikao-offend.
Lahat naman ay nadadaan sa mabuting usapan depende kung paano mo ito idedeliver.
Kung pwedeng gumawa ka muna ng script at kabisaduhin ito, okay lang as long as maiparating mo sa kanya ang mensahe mo nang hindi ka nakakaooffend. Always put yourself on their shoe.
Sana ay makatulong ito.
-PFS
**Kung may gusto kayong ihingi ng advice, you can send me an email at pinoyforward@gmail.com**
No comments:
Post a Comment