Minamahal Kong Anak,
Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal kang magbasa.
Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili nating bahay. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala na ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpalit pa ng address.
Maganda ang lugar na ito at malayo sa Maynila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito. Tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nung bumili ako ng shampoo. Ayaw bumula. Nakasulat "FOR DRY HAIR" kaya hindi ko binabasa ang buhok ko kapag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.
Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay "YALE", e aba, namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa rin bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay. Akala nila hindi ko alam na "SIGAW" ang tagalog ng YALE. Wais yata itong tatay mo!
Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo. Medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggap ko na lang ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pagdating diyan sa iyo.
Nagpadala na rin akong tseke para sa mga nasalanta ng bagyo. Hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor.
Ang kapatid mo nga palang si Jhun ay may trabaho na dito. Mayroon siyang 500 na tao under sa kanya. Naggugupit siya ngayon ng damo sa memorial park. Okey naman ang kita, above minimum ang sahod.
Nakapanganak na rin pala ang Ate Baby mo. Hindi ko pa alam kung babae o lalaki kaya hindi ko pa masabi kung ikaw ay bagong uncle o auntie.
Siya nga pala, babalik ako diyan sa Oktubre pero naguguluhan ako. Diba yung Victory Liner, BLTB Liner, Pascual Liner, at Alfonso Liner ay mga pampasaherong bus? E yung Panty Liner, bus din ba yun? Saan ba ang terminal nila?
At saka nga pala, may nag interbyu sa akin diyan at nakalimutan kong banggitin sa iyo. Taga Magandang Umaga Bayan daw sila at nakunan ako sa TV. Ang tanong sa akin ay ano raw sa salitang ingles ang kulangot. Di ko nasagot. Ikaw anak, alam mo?
Wala an akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas ha?
Love,
Tatay
P.S.
Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang sobre. Next time na lang ha!
No comments:
Post a Comment