Monday, June 3, 2013

JEEPNEY EXPERIENCE (modus)

Pasukan nanaman.. Marami nanamang byahero.  At kasabay ng maraming mga commuters sa kalsada ay sinabayan ito ng mga masasamang kawatan.

Share ko lang po ang aking naging experience sa jeep ngayong unang araw ng pasukan.

June 3, 2013. - 5:30AM

Habang binabagtas ng jeep na aking sinasakyan ang byaheng CAINTA - PASIG ay may sumakay na grupo ng kalalakihan (LIMA katao) sa JUNCTION Cainta.  Sa tapat po ito ng BIG R.



Nakaupo ako sa gitna at katabi ang isang lalaki. Dikit na dikit na ako sa kanya para wala ng makaupo sa pagitan namin ngunit itong si kuya na bagong sakay at talagang gustong makaupo sa pagitan namin.  Hinawi nya ako na buong lakas kaya nakaupo sya sa pagitan namin ng lalaking katabi ko sa kaliwa.  Mukhang hindi pa nakuntento si kuya at hinawi ulit ako pabalik sa tabi ng katabi kong lalaki sa kaliwa.  Umupo naman si kuyang mandurukot sa kanan ko at naglaglag ng barya.  Hindi ko ito pinansin at hinayaang sila ang dumampot (hindi ako mahilig pumulot ng barya kahit sabihin pang masama ang ugali ko) at makalipas ang ilang sandali ay nararamdaman kong parang may humahawak sa right pocket ko.  Dahil alisto, hinawi ko si kuyang mandurukot.  Nagalit ang lalaki sabay sabing: "TANG INA MO KA! KANINA KA PA AH!".  - (Kanina pa? Kasasakay lang niya ah!)

Napatingin ako sa lalaki na nanlalaki ang mga mata at tinanong, "ANO YON?" Natakot ako sa mata nya. Parang kahit na akong oras ay pwede akong sapakin. (kawawa naman ang aking mukha) kaya hindi ko na lang siya pinansin.

Yung lalaki namang nakaupo sa harap ko ay bumaba.  Mabuti na lang at nakita ng isang mabuting pasahero ang wallet nito kaya tinawag siya at sinabing "Brod, wallet mo!".

Yung lalaki namang nakaupo sa may bukana ng jeep na natutulog ay nadukutan ng cellphone.

Biglang nagsibabaan ang mga lalaki sa De Castro na nagmamadali.

Bumaba ako ng jeep sa Lifehomes ng kakaba kaba.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

follow pinoyforwardedsms on twitter and facebook